KATHERINE, NILINAW NA HINDI HUMINGI NG SUPORTA KAY COCO

By: Beth Gelena

MULING nabuksan ang isyu ng dating aktres na si Katherine Luna kaugnay sa anak niyang pina-DNA umano noon ni Coco Martin.

Sa unang pagkakataon, nagpaunlak ang dating aktres patungkol sa anak na napabalita noon na anak ng dating karelasyong si Coco sa isang interview sa Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel.


Nilinaw ni Luna na hindi kailanman siya nanghingi ng pera sa aktor noong panahong pinanganak niya si Nicole.

Aminado siyang simula noong tatlong taon ang anak ay unti-unti niyang nakikitang hindi si Coco ang kamukha ng anak na lalong napagtibay nang lumabas ang resulta ng DNA.

Pinili umano niyang umiwas noon hindi niya alam kung paano niya babawiin ang lumabas na mga balita.


Sumama rin daw ang loob niya sa kanyang ina nang ipahiram ang anak kay Coco nang hindi niya alam.

Nasa pangangalaga daw kasi ng ina ang anak.


Mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na gumamit siya ng pera ng aktor.

Hindi siya umano humingi ng anumang suporta kay Coco at umalis siya sa eksena dahil sa hiya.


Sa kasalukuyan hindi pa rin daw nakikilala ni Nicole ang tunay na ama.

Hindi rin daw ito taga-showbiz. Pero, inamin niyang may asawa na rin siya ngayon na isang Chinese businessman at nag-aartista rin daw.

Sina Katherine at Coco ay nagkasama sa isang indie film kung saan doon nagsimula ang kanilang ugnayan.



Pero ngayon ay ang layo na ng tinatahak ng showbiz career ni Coco.

Hindi lang siya isang aktor kundi direktor na din.

Naging popular siya bilang si “Cardo Dalisay” sa hit action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” na umere mula 2015 hanggang 2022.

Ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez ay labis na humahanga sa kabutihan ng aktor kahit hindi niya ito personal na kilala.

Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang masabi sa aktor kundi alagaan ang sarili dahil kailangan pa siya ng industriya.

Isa si Celia na bagong karakter saikatlong yugto ng “Batang Quiapo.”

Tags: Coco Martin, Katherine Luna

You May Also Like