Latest News

Katarungan Caravan sa mga biktima ng Marawi siege, inumpisahan na

By: Baby Cuevas

NAGSIMULANG magdaos ng isang caravan ang Department of Justice (DOJ) kahapon para sa mga biktima ng Marawi siege at mga ‘internally- displaced persons (IDPs)’.

Ayon sa DOJ, ang naturang ‘Katarungan caravan’ ay isasagawa sa loob ng isang buwan o mula kahapon, Hunyo 3, hanggang sa Hulyo 3.

Ito ay bago sumapit ang deadline para sa paghahain ng claims ng Marawi siege victims, sa ilalim ng Marawi Siege Compensation Act of 2022.

Sa ilalim ng naturang caravan, pagkakalooban ng DOJ ng libreng legal assistance ang mga biktima ng Marawi Siege at IDPs, sa pakikipagtulungan sa Public Attorney’s Office (PAO), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at mga volunteer- private lawyers.

“I entrust the welfare of our brothers and sisters of the Marawi Siege and the IDPs to our dedicated fellow public servants from DOJAC, PAO, NBI, PNP and to our volunteer private lawyers,” ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.

“Take swift and decisive actions over their concerns and claims, ensure that no one will be left out,” dagdag pa nito.

Tags:

You May Also Like

Most Read