Katarungan at kalayaan, inaasahan ng Simbahan sa Marcos administration

Inaasahan ng Simbahang Katoliko na maghahari ang katarungan at kapayapaan sa papasok na administrasyon Marcos.

“The essence of Pentecost is unity”, paalala ni Baguio Bishop Victor Bendico ng CBCP – Episcopal Commission on Liturgy sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes o ang pagbaba ng Banal na Espiritu 50-araw makaraan ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.


Ipinagdarasal ng Obispo na hindi gumamit ng anumang uri ng karahasan at sa halip ay isulong ni President-elect Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr.,ang tunay na pagkakaisa para sa kabutihan ng nakararaming Pilipino.

“With the new government administration, let us not put on a spirit of slavery. Let us be led by a spirit of freedom. We are free people in a free nation. In a free country, there can only be a free citizen – citizens who love their country and work hard for the common good,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Alam ni Bishop Bendico na nagkaroon nang pagkakahati-hati sa nakalipas na halalan kung saan halos namayani sa lipunan ang hidwaan bunsod ng pagkakaiba ng sinusuportahang kandidato.


Hinimok naman ng Obispo ang mamamayan na magbuklod tungo sa paghilom ng anumang hindi pagkakaunawaan tulad ng mensahe ng Pentekostes na pagkakaisa sa kapayapaang hatid ng Espiritu Santo. (Jaymel Manuel)


Tags: Baguio Bishop Victor Bendico

You May Also Like

Most Read