Kasosyo ni Mayor Alice Guo… PNP-CIDG MANHUNT OPERATION, TULOY

By: Victor Baldemor Ruiz

TULOY -tuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) katuwang ang Presidential Anti Organized Crime Commission sa sinasabing “big boss” ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga at hinihinalang kasosyo ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP-CIDG Director PMGen. Leo Francisco, kabilang ang Chinese na “big boss” sa sinalakay POGO hub sa Porac, Pampanga sa kanilang hinahanap kaya pinasok nila ang Fontana Leisure Park sa Mabalacat, Pampanga kamakalawa ng gabi.


Ipinahayag ni Gen. Francisco na may natanggap silang impormasyon na nagtatago umano ang naturang big boss ng POGO sa naturang leisure park subalit nabigo silang matagpuan ang pakay.

Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like