By: JANTZEN ALVIN
Pormal nang nagsampa ng kasong rape sa Department of Justice (DOJ) ang aktor na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA na nauna na nitong inakusahan ng sexual abuse.
Si Sandro ay sinamahan ng kanyang ama na si dating child star Niño Muhlach nang magsampa ng kasong rape through sexual assault laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon kay Atty. Czarina Raz na kumakatawan sa pamilya Muhlach, malakas ang ebidensiya nila laban kina Nones at Cruz na una nang Itinanggi ang alegasyon.
Kinumpirma ng GMA network na natanggap nila noong Agosto 1,2024 ang pormal na reklamo ni Sandro kay Nones at Cruz.