Maari umanong sampahan ng kasong plunder ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) director- general na si Gerald Bantag dahil sa ” nine-story deep hole ” na nadiskubre sa loob ng New Bilibid Prison(NBP).
“If they tried to execute the contract, this can also constitute some sort of plunder kasi kung talagang binenta nila ang lahat [ng nakuha nila doon] eh talagang may loss na sa gobyerno diyan, mayroon na siyang attempt to get property of government without passing through the process,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Noong nakalipas na.linggo,sinabi ni Bantag na iniutos niya ang paghuhukay para.gawin umanong’diving pool’ sa loob ng NBP at mag -train ng jail personnel para sa disaster response.
Sinabi naman ni Remulla na naghahanap si Remulla ng Yamashita treasure sa loob ng NBP.
Gayunman,natahpuan ng DOJ sa pangunguna ni dating Justice Secretary Menardo Guevarra ang isang agreement sa pagitan ng BuCor at Atom Corporation kung saan ang groundbreaking ay dapat na gagawin noong Disyembre 2020.
“The DOJ came up with a paper already saying that it’s a void contract. It was furnished to Director General Bantag,” ayon kay Remulla .
Sinabi ni Remulla na ginawa ng Atom at Bantag na “executory” ang isang “void” na kontrata.
Pinag-aaralan rin ng DOJ kung.magkano ang magagastos ng gobyerno sa itatambak sa hinukay sa loob ng NBP.














