By: JANTZEN ALVIN
May panibagong kasong murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag dahil sa pagkamatay ng isang ‘person deprived of liberty’ (PDL) noong 2020 sa New Bilibid Prison (NBP) , Muntinlupa City.
Bukod kay Bantag, anim pang katao ang isinamang kasuhan ng NBI dahil sa pagkamatay ni PDL Hegel Laping Samson.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ” asphyxiation due to a plastic bag ” na isinaklob sa kanyang ulo ang ikinamatay ni Samson.
Kabilang sa kinasuhan sina dating BuCor deputy security officer Ricardo S. Zulueta, Victor Erick L. Pascua at.NBP Bilibid PDLs Rolando Villaver, Mark Angelo Lampera, Charlie Dacuyan at Wendell Sualog.
“Ito ‘yung may lumalabas sa social media na Leon Bilibid describing the mysterious happenings inside Bilibid ,”aiu Remulla.
“May nagalit sa kanya. Death by plastic. ,”dagdag ni Remulla.
Inamin umano ng apat na PDLs ang naging partisipasyon nila sa pagpatay kay Samson na idineklarang dead-on-arrival sa NBP Hospital noong Nobyembre Nov. 7, 2020.
Nabatid na si Bantag at Zulueta ay may dalawang kaso na ng.murder na isinampa sa regional trial courts (RTCs).
Sa Las Pinas City RTC, si Bantag at Zulueta ay kinasuhan dahil sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percival Mabasa habang sa Muntinlupa City RTC, sila ay kinasuhan dahil sa pagpaslang sa PDL Cristito Villamor Palana, middleman na kumontak sa killer ni Mabasa.
Kapwa may warrant of arrest laban sa kanila at nag-alok na rin ng P2 milyon pabuya ang DOJ para sa anumang impormasyon laban kay Bantag at P 1milyon naman kay Zulueta.