Latest News

Kasong kriminal, inaprubahan ng DOJ sa Nigerian at Pinay partner na bumili ng sanggol

INAPRUBAHAN na ng Department of Justice (DOJ), ang pagsasampa ng kasong kriminal sa korte laban sa Nigerian national at Pilipina partner nito kaugnay sa ginawang pagbili sa 8- buwang sanggol sa ina nito na nalulong sa online sabong.

Nabatid sa Office of the Prosecutor General (OPG) ng DOJ na haharap naman muna sa preliminary investigation sa Abril 11 ang nanay ng sanggol at maging si Kristine Joyce Esdrelon na umano’y naging middle person sa pagbebenta ng sanggol noong Marso 3.

Kabilang sa kakasuhan sa korte sa regional trial court (RTC) sina Nigerian national Bright Okoro, alyas “Maxwell Bright.” at live-in partner nito na si Imelda P. Malibiran, ng child trafficking sa ilalim ng Republic Act No. 7610, the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, kidnapping at failure to return a minor under Article 270 ng Revised Penal Code (RPC).


Sina Okoro at Malibiran ay inaresto noong Marso 22 ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) sa Sta. Cruz, Laguna kung saan nasagip ang bata na nasa kustodiya ng couple.

Kaagad silang ini-inquest ng NBI sa kasong child trafficking sa DOJ.

Habang inamin naman ni Gutiierez na ibinenta ang bata sa halagang P45,000 pero kalaunan ay nagbago ang isip at humingi ng tulong sa NBI. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read