Kasong estafa, isinampa vs 16 sa casino junket scam

By: JANTZEN ALVIN

Ipinagharap ng kaso ng Baguio City Prosecutor’s Office ang 16 na katao, kasama na ang lider at mga miyembro nitong sangkot diumano sa multi-bilyon casino junket scam na nakapanggoyo ng itinatayang 10,000 investors noong 2022.


Ibinatay ang kaso sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), kung saan pinakakasuhan ng syndicated estafa ang leaders at operators na kabilang sa ‘Team Z’ .

Ayon sa imbestigasyon ng NBI-CAR, umabot umano sa may P4.5 bilyon ang natangay ng grupo sa mga naakit nilang investors.

Kabilang sa mga kinasuhan ng Baguio City Prosecutors base sa inilabas na resolusyon sina Hector Aldwin Liao Pantollana, Hubert Aldwin Liao Pantollana, Virginio Martin Arrieta Casupanan, Hazen Carreon Humilde , Jerry J.Cuapingco, Hein Carreon Humilde,Mikaella Damasco Ty-Choi,Mark Stephen Alzona,Charina Jane Abaeo, Rosemarie Cuapingco Humilde,Marwin Keithley Humilde,Edwin P.Humilde,Gracelyn Ipac,Keith Cassandra Panganiban Humilde,Erica Dayrit at Lyca Dayrit.


Napag-alaman na nagsimula ng imbestigasyon ang NBI-CAR sa Team Z noong Setyembre 2022 at isinulong ang pagsasampa ng kaso matapos na ma -delay ang payout nila sa mga investors nila.

Umabot umano sa 300 ang nagsampa ng reklamo laban sa naturang casino scam group.


Lumitaw sa imbestigasyon ng NBI-CAR na ang Team Z ay hindi umano awtorisadong mag-operate bilang ‘casino junket’ at wala rin itong umiiral na ‘junket business.’

Diumano, modus operandi na ng Team Z na hikayatin ang publiko na mag-invest sa kanilang negosyo sa pangakong 5% kita kada buwan ng kanilang investment na dapat ay nakalock- in sa loob ng isang taon.


Ang grupo ay nagbibigay imano ng libreng rooms sa mga nagi-invest ng hanggang P1 milyon.

Gayunman, napuna umano ng mga complainant na ang mga akusado ay hindi pinaoayagang makapasok sa ‘junket room’ at sa halip, itinuturo lamang nila ito sa mga investor at sinasabing ito ang kanilang junket operations.#



Tags: National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR)

You May Also Like