SINIMULAN na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang kanilang parallel investigation kaugnay sa nangyaring pagkasunog ng fastcraft na MV Mercraft 2 sa may katubigan ng Real, Quezon na ikinasawi ng pitong katao.
Ayon sa MARINA, kasama nila ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang parallel investigation.
Sa pahayag ni Engr. Manny Carpio, regional director ng MARINA regional office IV, sakaling may makitang pananagutan ang may-ari at operator ng shipping company ay mahaharap ito sa kasong kriminal at matatanggalan sila ng lisensiya.
Magugunitang inireklamo ng mga pasahero ang kakulangan ng life vests kaya may mga sakay ng fastcraft ang napilitang tumalon kahit walang life jacket at may mga nagkasyang mag sukob na lamang sa mga basyong container ng krudo na ginamit na pampalutang.
Bunsod ng nasabing insidente ay bumalik din umano sa alaala ng mga pasahero ng lumubog na MV Mercraft 3 na may sakay na 251 noong December 2017 ang malagim na karanasan kung saan sinasabing kulang din umano ang life jacket .
Sinasabing may limang pasahero pa ang nanatiling missing habang may pito o ang inulat na nasawi sa paglubog ng MV Mercraft 3 sa hangganang malapit sa Dinahican, Quezon at Polilio Island nuong 2017 kung saan humihingi pa umano ng kabayaran ang pamilya ng mga nawawala ilang taon na ang nakalipas.
Sa naging interview ng “Kabayan sa Teleradyo” kay Algene Jules Balilan, kinumpirma nya na sa pitong namatay sa paglubog ng Mercraft 3 sa Quezon nuong December 2017, lima ang hanggang ngayon ay hindi na recover ang bangkay at isa dun ang kanyang ama na si G. Alexander Balilan, 60 yrs. old ng lumubog ang barko.
Una ng sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na base sa inisyal na pagsisiyasat nagmula sa engine room ng barko ang sunog.
Kasunod ng pahayag na 57 talaga ang tunay na bilang ng mga pasahero at tripulanteng sakay ng ferry nang maglayag ito mula Polillo Island patungong Quezon, taliwas sa ulat na 134 lamang ang sakay nito .
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kapitan ng Mercraft hinggil sa sanhi ng pagkasunog ng ferry boat. Maging ang alegasyon na may 20 pasahero ang wala sa passenger manifest .
Nabatid na may kakayahan umanong magsakay ng 180 pasahero ang MV Mercraft 2. (VICTOR BALDEMOR)














