Latest News

Kaso sa 10 frat member tuloy

IBINASURA ng Manila Regional Trial Court Branch 11, ang petisyon inihain ng 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na isinangkot sa pagkamatay sa hazing ng University of Santo Tomas law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa desisyon ni Acting Presiding Judge Shirley Magsipoc-Pagalilauan,ng MRTC Br 11 na may petsang Pebrero 24 ,ibinasura nito ang ” demurrer to evidence” na magkakahiwalay na inihain ng mga kinaauhang miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Ang demurrer to evidence ay isang mosyon na humihiling na i-dismiss ang isang kasong kriminal dahil hindi sapat ang ebidensiya para sa criminal conviction.


Kabilang sa naghain ng motion sina Jose Miguel Salamat, Joriel Macabali, Robin Ramos, John Audrey Onofre, Marcelino Bagtang Jr., Axel Munro Hipe, Mhin Wei Chan, Arvin Balag, Ralph Trangia, at Dannielle Hans Matthew Rodrigo.

Sinabi ng mga akusado sa mosyon na nabigo umano ang prosecution na mapatunayan na ang ikinamatay ni Vastillo ay dahio sa hazing na nangyari noong Setyembre 2017.

Ayon sa mga akusado, hindi severe traumatic injuries kundi hypertrophic cardiomyopathy (HCM), ang ikinamatau ni Castillo.

Minaliit rin ng mga akusado ang testimonya ng ka-frat nilang si Mark Anthony Ventura dahil sa ito ay “conflicting and inconsistent”.


Nabigo rin umano ang prosecution na mapatunayan ang presensiya ng lahat ng elemento ng paglabag sa anti-hazing law.

Sa desisyon,sinabi ng korte na napatunayan ng prosekusyon ang mga elemento ng anti hazing law at ang teatimonya ni Ventura ay “credible at sufficient ” para mahatulan ang mga akusado.

Napatunayan rin ng mga medico-legal officer na nagsagawa ng awtopsiya sa katawan ni Castillo at sa eksaminasyon sa internal organi nito na ang dahilan ng kanyang pagkamatau ay dahil sa ” severe blunt traumatic physical injuries.

“Even granting for the sake of argument that Horacio died of HCM due to his grossly enlarged heart as claimed by the accused, they can still be held responsible for the death of Horacio following the time-respected doctrine: ‘He who is the cause of the cause is the cause of the evil caused,’” ayon sa ruling ng korte. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read