Kaso ni Sen. de Lima, nirerebisa ng DOJ

Nirerebisa na ng Department of Justice (DOJ), ang kasong may kinalaman sa iligal na droga,isinampa laban sa nakadetineng Senador Leila de Lima matapos na bawiin ng ilang testigo ang kanilang testimonya.

Gayunmam, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, dapat na ang pagbawi ng testimonya ay ginagawa sa korte.


“Yang mga ebidensya sa mga kaso ay lagi naman yang nire-review periodically ng Department of Justice depende kung ano ang nangyayari sa proseso ng trial nung kaso sa mga korte. Kaya yung sa kaso ni Senator De Lima ganoon din ang ginagawa namin maski may retraction or pagbawi ng mga statements or not,” ayon kay Guevarra.

“Kaya lamang, siyempre yung mga retractions na yan kailangan i-present yan sa court. Hindi naman sa media dapat pine-present lamang yan,” dagdag ni Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na sa ngayon ay hindi pa masasabi kung alin ang totoo dapat i cross-examine ito ng korte


Ayon kay Guevarra ,nakahanda naman ang DOJ na tanggapin kung ano ang lilitaw na katotohanan.

Una nang binawi noong Abril ng self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kanyang testimonya kay De Lima sa Pagdinig na ginawa ng Senado na nagbigay siya ng halagang P8 milyon kay De Lima sa pamamagitan ng kanyang driver body guard na si Ronnie Dayan.


Ilang araw ang nakalipas si dating
Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos naman ang bumawi ng kanyang testimonya na hinatiran niya ng P10milyon sa kanyang bahay sa Paranaque sa pamamagitan ni Dayan.

Nitong Lunes ang prosecution witness na si Joel Capones ay binawi rin ang kanyang testimonya sa “open court” at sinabi nito na wala aiyang anumang transaksiyon kay De Lima .


Pinakahuling nag recant ng testimonya si Marcelo Adorco, isang testigo ng gobyerno laban kay Espinosa at De Lima. (Jantzen Tan)

Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read