Kaso ni Jovelyn ,sarado na — NBI

Kumpirmado ng National Bureau of Investigation(NBI) forensic experts na si Jovelyn Galleno ang natagpuang kalansay sa Sto. Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes sa Palawan .

Sanhi nito,itinuturing na ng NBI na sarado na ang kaso matapos na magpositibo ng 99.99% ang resulta ng DNA test.


Unang nagsagawa ng autopsy at DNA test ang police authorities at kinumpirma rin na kay Jovelyn ang kalansay.

Pumasok sa imbestigasyon ang NBI dahil hindi kumbinsido ang maraming tao, lalupa’t mabilis na naagnas ang mga labi ni Jovelyn.

Ipinaliwanag ni NBI Puerto Princesa chief Atty. Renato Garbo III, sa pamilya ang isinagawang imbestigasyon kung saan nag match ang nakuhang dugo at buccal swab sa mga magulang ni Galleno na nag kumpirma na ang buto ay si Galleno.


Ayon kay Jonalyn Galleno, kapatid ng biktima, sa kabila na tinatanggap nila na si Jovelyn ang kalansay ay umaasa pa rin ang kanilang ina na buha ito at walang nangyaring masama sa kanya.

Napag-alaman rin na ang pamilya ng pangunahing suspek na si Leobert Dasmariñas,pinsan ni Galleno ay nagtangkang makipag-usap sa kanilang ina para huwag nang ituloy ang pagsasampa ng kaso.


Isinumite na ng NBI ang report ng imbestigasyon sa Office of the City Prosecutor bilang karagdagang ebidensiya sa kasong rape at homicide na isinampa kay Dasmarinas at kasabwat umano nitong si Jobert Valdestamon. (Arsenio Tan)


Tags: National Bureau of Investigation(NBI)

You May Also Like

Most Read

Latest News