Higit 170k kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Oktubre, naitala ng DOH

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 173,233 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Oktubre 2022.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, director ng Department of Health (DOH) epidemiology bureau,ito ay 191 % mas mataas kumpara sa naitala noong 2021 sa parehas na panahon.

Nagsimula umanong.tumaas ang kaso ng dengue sa bansa noong Marso.


“Nag-peak tayo ng ikalawang linggo ng Hulyo at ngayon, makikita natin sa epidemic curve na tuloy-tuloy na ang pagbaba sa kaso ng dengue,” ayon kay De Guzman.sa isang press briefing.

Nabatid na mula Enero 1 hanggang Oktubre noong 2021 ay nakapagtala ang Pilipinas ng 59,514 kaso ng dengue.

Napag-alaman na ang iba pang naitala ay ang sumusunod: Central Luzon (34,347), Metro Manila (18,638) at Calabarzon (14,984) na nanguna sa mga may pi\nakamataas na kaso.

Nabatid na 54% nagka dengue ay kabataan 15 anyos pababa.


Hanggang nitong Oktubre 1 ay may naitalang 528 dengue-related deaths.

Ayon kay de Guzman,bumaba na sa lahat ng lugar na nagkaroon ng outbreak ang mga kaso ng dengue maliban sa Southern Leyte. (Philip Reyes)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read