Latest News

Kaso ng ‘sore eyes’ sa Abra, mataas

By: Philip Reyes

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sa Abra ng 600 kaso ng conjunctivitis o sore eyes at patuloy pa rin ang pagtaas nito sa Lugar.

Kasabay nito, nanawagan ang DOH-Abra sa publiko na palagiang maghugas ng kanilang kamay at huwag hawakan ang kanilang mukha dahil sa patuloy ang pagdami ng mga tao na dinadapuan ng sore eyes.


Ayon kay Dr. Lilibeth Martin, DOH-Abra provincial head, ang kaso ng sore eyes ay nagsimula sa binahang barangay ng Sta. Rosa, Cabaluan, at San Antonio dahil sa pananalasa ng super typhoon “Egay” at sanhi ng monsoon rain kung saan dinala sa evacuation center ang maraming residente.

Kasunod nito ay nagkahawa-hawa na ng sore eyes sa iba pang mga barangay.

Sinabi ni Martin sa publiko na iwasang hipuin ang kanilang mukha dahil ang kamay ang nagdadala ng microorganisms mula sa hinawakan na bagay.


Pinayuhan ni Martin ang publiko na maging malinis sa katawan, makinig sa tamang impormasyon, bumisita sa regional health units at magpa konsulta sa doktor sa sandaling mapansin na may problema sa mata.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like