KASO NG PERTUSSIS, TUMAAS – DOH

By: Jaymel Manuel

Hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna, matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng pertussis at measles sa bansa. Ang Pertussis ay kilala rin sa tawag na ‘whooping cough’, ubong-dalahit at tuspirina.

Batay sa inilabas na datos ng DOH, sa unang sampung linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitalang mga kaso ng pertussis kumpara sa taong kasalukuyan.


Sa kasagsagan ng pandemya ay nasa 52 umano ang naitalang kaso noong 2019 habang 27 naman noong 2020 at pito lamang noong 2021.

Samantala ay dalawa naman ang naitala noong 2022 habang 23 naman noong taong 2023, na siyang unang taon matapos na tuluyang alisin ang mga restrictions kaugnau ng pandemya.

Sa unang sampung linggo ng 2024 ay biglang tumaas ang naitalang pertussis cases na umabot ng 453 at ayon sa DOH, ang maaring dahilan ay ang ‘disruptions’ sa routine immunization sa primary care noong panahon ng pandemic.


Hanggang noong Pebrero 24, 2024 ay nakapagtala naman umano ang DOH ng kabuuang 569 measles at rubella cases sa bansa.

Ayon sa DOH, lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Bicol at Central Visayas, ay nakapagtala ng pagdami ng mga kaso sa mga nakalipas na buwan.


Umabot uimano ng 163 ang bagong kaso ng tigdas na naitala sa pagitan ng Pebrero 11 hanggang 24, na mas mataas ng 3% kumpara sa dalawang naunang linggo na may 159 kaso lamang.

Lumilitaw naman sa epidemiologic profile na ang mga paslit na nasa edad limang taon pababa at hindi bakunado ang pinaka-apektado.


Ang pertussis ay isang ‘highly-contagious bacterial respiratory infection’ na nagdudulot ng influenza-like symptoms gaya ng ng mild fever, sipon at ubo na tumatagal ng pito hanggang 10-araw matapos ang exposure.

“This cough, in typical cases, will develop into a characteristic hacking cough,” ayon sa DOH.

Bagamat maaari umanong makuha sa antibiotic ang pertussis, bakuna pa rin umano ang pinakamabisang paraan upang ito ay maiwasan.



Ang measles naman o tigdas ay highly-contagious rin at madaling maihawa ng mga infected individuals sa pamamagitan ng hangin, partikular na sa pag-ubo at pagbahing.

Walang partikular na lunas sa virus na nagdudulot ng measles at bakuna rin ang pinakamabisang proteksiyon laban dito, ayon sa DOH.
.
“It affects all age groups, but is more common in children,” anang DOH, na nagsabing ang mga sintomas nito ay mataas na lagnat, ubo, runny nose, at body rash.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like