KINUMPIRMA ng eksperto ng National Task Force Againat COVID-19 ang kaso ng Long COVID-19 o yung mga tao na patuloy na nakakaranas ng medium.hanggang long term na epekto ng COVID 19 matapos na makarekober sa sakit.
“Nag-uumpisa nang i-identify ‘yan dahil na-identify ito sa ibang bansa, ng WHO (World Health Organization), ng United Kingdom, ng US. Nag-uumpisa nang makakita ang ating mga doktor sa ospital ng cases niyan,” ayon kay NTFAC adviser Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing.
Nabatid na may ebidensiya nakita ang WHO, na 10 hanggang 20% ng tao naka rekober sa COVID19 ,ang nakakaranas ng iba’t ibang mid hanggang long term side -effects.
Ayon sa WHO ,ang mga taong nagkaroon ng Long COVID ay nakakaranas ng pagkapagod, breathlessness at cognitive dysfunction (confusion, forgetfulness, or a lack of mental focus and clarity).
Ang ilan naman ay nakakaranas ng psychological effects dahil sa post COVID-19 condition.
Sinabi pa ni Herbosa na ang mga taong may long COVID ay nakakaranas rin ng pamamaga ng puso at brain fog.
“Binabantayan natin ito at itatala natin ito, irerehistro rin natin ito at bibilangin at aaralin para malaman natin ang sitwasyon ng long COVID sa Pilipinas,” ayon kay Herbosa.
Nabatid na ang pagbabakuna matapos ang infection sa SARS-CoV-2 ay makakatulong para.mabawasan ang bigat nang sintomas ng long COVID. (Arsenio Tan)














