Inihayag ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa kabuuang 2,794 ang mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas mula Enero 1 hanggang Oktubre 29 .
Nabatid sa DOH na ito ay mas.mataas ng 68% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2021 na nasa 1,661.
Napag-alaman din na umakyat sa 370 mula sa 178 ang bilang ng mga nasawi sa leptospirosis.
Ayon sa DOH ,ang kaso ng leptospirosis ay tumataas kapag panahon ng tag-ulan kung saan maraming lugar ang binaha.
Binigyan-diin pa ng DOH na ang leptospirosis ay isa sa dahilan ng pagtaas sa bilang ng pasyente sa National Kidney and Transplant Institute( NKTI). (Arsenio Tan)














