Tumaas ng 45% ang naitalang kaso ng influenza like Illness (ILI) hanggang nitong Oktubre 13, 2023.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng 151,375 kaso ng ILI kumpara sa 104,613 kaso noong nakalipas na taon sa kaparehas na panahon.
Gayundin sa nakalipas na tatlo hanggang na linggo mula Setyembre 3-16, ang ILI cases ay tumaas ng 26% kumpara sa naitalang kaso dalawang linggo bago ang naturang petsa.
Base sa historical data mula 2009, nagkakaroon ng pagtaas ng kaso ng ILI kapag tag-ulan at malamig ang panahon.
Nabatid na masusing imu-monitor ng DOH ang mga kaso ng ILI sa mga susunod pang paparating buwan.