Latest News

Kaso ng dengue, tumaas ng 23% ngayong taon

Tumaas na ng 23% ang naitalang kaso ng Department of Health (DOH) sa dengue mula Enero hanggang Mayo 2022 kumpara sa naitalang kaso sa parehas na panahon noong 2021.

Ayon sa DOH,ito ay matapos na makapagtala ng 34,938 kaso kumpara sa 28,336 na naitala noong 2021.


Nalaman na karamihan ng kaso ng dengue ay naiulat sa Central Visayas (4,544), Central Luzon (4,312), at Zamboanga Peninsula (3,215).

Nabatid na mula Abril 24 hanggang Mayo 21,2022 may kabuuang 10,738 kaso ang naitala.

Gayundin, kabilang ang Cordillera Administrative Region,Cagayan Valley, Central Luzon,MIMAROPA,Bicol region, Western Visayas,Central Visayas,
Zamboanga Peninsula,Davao region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga rehiyon na nagkaroon ng pagtaas sa kaso ng dengue.


Pinayuhan naman ng DOH ang publiko at Local Government Units na i practice ang 4S para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue. (Arsenio Tan)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like