Latest News

Kaso ng dengue sa Pinas umakyat ng mahigit 73K

Pumalo sa mahigit 73K ang kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong taon ayon sa Department of Health (DOH).

Nakapagtala naman ng 18,699 na bagong kaso ng dengue mula noong nakaraang linggo.


Ipinahayag ni DOH officer-in-charge Dr. Maria Rosario Vergeire na Central Luzon, Cagayan Valley, at National Capital Region ang may pinakamataas na kaso.

“Sa ngayon, patuloy ang ating kampanya laban sa dengue kung saan tayo ay nagmo-mobilize ng ating mga local governments para gawin natin ‘yung 4S strategy at saka ma-mobilize ang kanilang dengue brigades,” aniya.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like