Kaso ng Dengue sa NCR, tumaas

Tumaas ng may 16% ang mga kaso ng Degur sa Metro Manila sa pagitan ng huling araw ng Mayo at Hunyo.

Ayon sa Department of Health (DOH) may 533 kaso ang naitala mula Mayo 22 hanggang Hunyo 4,na mas mataas kumapara sa 458 kaso naiulat nitong nakalipas na 2 linggo.


Nabatid na umaabot na sa 3,975 kaao ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 18.itonumano ay 1% mataas kumpara sa naiulay na kaso sa kaparehas na panahon noong 2021.

Kabilang sa mganlugar na nakaoagtala ng mataas na kaao ng dengue ang
Quezon City (729 cases o 18 percent),
Caloocan City (502 cases o 13 percent),
Manila (501 cases o 12 percent),
Taguig City (472 cases o 12 percent) at
Valenzuela City (444 cases or 11 percent).

Habang mula noong Mayo 22 hanggang Hunyo 18, umabot sa 844 cases ang naitala at 192 kaso o 23% ang mulansa QC, Caloocan City (170 cases o 20 percent), Taguig City (100 cases o 12 percent), Valenzuela City (83 cases o 10 percent), at Malabon City (64 cases o 8 percent).


Nalaman na 13 ang nasawi on0.3% sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, may 51,622 kaso ng dengue ang naitaka mula Enero 1 hanggang Hunyo 18 na mas mataaa ng 58% sa 32,610 kaso naiulat sa kaparehas na panahon noong 2021.


Lahat ng rehiyon, maliban sa Ilocos region at Caraga ang naungusan na ang alert/epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo.

Muling hinikayatnng DOH ang publiko na sundin ang 4s na search and destroy,secure self protection,seek early consultation at support community fogging o spraying. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Latest News