Latest News

Kaso ng dengue sa bansa, tumaas pa ng 143%

Tumaas pa sa 143% ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Ayon sa National Dengue Data, mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, umabot na sa 118,785 dengue cases ang naitala nila sa bansa.

Ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 48,867 dengue cases lamang noong nakaraang taon.

Nabatid na pinakamaraming dengue cases na naitala sa Region III na nasa 21,247 (18%); Region VII na nasa 11,390 (10%) at National Capital Region (NCR) na nasa 11,064 (9%).

Ayon sa DOH, mula Hulyo 17 hanggang Agosto 13 lamang ay nakapagtala sila ng 19,816 dengue cases.

Sa naturang panahon, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ay ang Region III na nasa 3,457 (17%); NCR na may 3,131 (16%) at Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 2,106 (11%).

Sa 17 rehiyon, anim ang lumampas na sa epidemic threshold kabilang ang Region II, Region III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at NCR, sa nakalipas na apat na linggo o mula Hulyo 17 hanggang Agosto 13, 2022.

Ang NCR ay nakitaan pa umano ng sustained increasing trend sa nabanggit ring petsa.

Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DOH ng 400 dengue deaths o may Case Fatality Rate na 0.3%.

Tags:

You May Also Like

Most Read