Kaso ng Covid sa NCR, posibleng lumagpas sa 2,000 kada araw — OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na may posibilidad na umakyat sa mahigit 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Oktubre .

Ito umano ay.makaraang makapagtala ng mataas na 17.5% na positivity rate sa NCR.


Nabatid na ang positivity rate ay ang antas ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga tao na sumailalim sa COVID-19 tests.

Base sa pag-aanalisa sa datos ng Department of Health (DOH) ng OCTA mula 14.3% noong Setyembre 14, umakyat ito sa 17.5% nitong Setyembre 21.

Nabatid na ang parehong numero ay mas mataas sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO) para masabing hindi na kumakalat ang virus.


“The positivity rate has matched the previous peak on Aug. 5. It is now likely that this current resurgence will see higher positivity rates over the next weeks,” ani sa tweet ni OCTA fellow Dr. Guido David.

Nalaman na tumaas rin ang ‘7-day average’ ng Metro Manila sa 1,128 kaso kada araw araw na mas mataas ng 28% sa sinundang linggo.


Tumaas rin ang reproduction number sa rehiyon sa 1.26 nitong Setyembre 19 mula sa dating 1.19 noong Setyembre 12.


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like