Latest News

Kaso ng COVID-19, tataas sa pagbubukas ng klase — DOH

Inaasahan ng Department of Health (DOH) na tataas ang kaao ng COVID-19 sa pagbabalik ng face- to- face classes sa Agosto 22.

“Siyempre ‘pag pumasok sa balik eskuwela, dadami na ang tao ulit, we expect na tataas. Pero sana, maproteksiyunan ang mga kabataan, magpabakuna tayo at saka sumunod tayo sa minimum public health standards,” pahayag ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa PinasLakas campaign sa Supreme Court (SC).


Kasabay nito,nanawagan si Vergeire sa mga magulang na pabakunahan at bigyan ng booster shot ang kanilang mga anak.

Gayundin,dapat umano na magpatupad ng mahigpit na protocols ang mga paaralan para mapigilan ang.pagkalat ng impeksiyon.

“Sa DepEd, hikayatin pa rin natin siyempre ang ating mga magulang para pabakunahan ang ating mga bata. Let’s have safety officers in our schools and let’s follow the minimum public health standards,” dagdag ni Vergeire


Sa kasalukuyan,sinabi ni Vergeire na ang bansa ay nagkakaroon ng pagtataas ng kaso sa kabila na bumaba nang bahagya ang positivity rate sa 18.1 noong Agosto 7 hanggang 13 mula sa 18.7% noong nakalipas pang mga linggo.

Nabatid na may 4,182 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa at may 44 ang nasawi.


Magugunita na hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa pagbubukas ng klase.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like