Ikinukunsidera ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng gawa-gawa lamang ng Japanese detainee ang kanilang mga kaso sa bansa para mapigilan ang deportasyon.
“Many of the fugitives to be deported find a way to escape deportation by having cases filed against them. We have in the past succeeded in having these cases dismissed if we find out that these are contrived cases. These are just cases made up to make them stay in the country (Philippines) longer,” ani Remulla .
Sa kabila nang naaresto si Yuki Eatanabe alyas ‘Luffy’ noong 2021 sa kasong Violence Against Women and Their Children Act,ay nakapagpatakbo pa rin ito ng kanyang gang sa pamamagitan ng mobile phones sa detention facility.
Samantala,iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang empleyado na nagbigay ng.mobile phones sa mga detainees.
Inaalam na ng DOj kung sino ang corrupt na BI employee na nag-benepisyo kay Watanabe , leader ng Japanese burglary gang.
“This matter is under investigation. Any Bureau of Immigration involved in helping give communications equipment to persons detained will be dealt with severely. It is a big problem in all detention facilities,”ayon pa kay Remulla.
Nalaman na isa sa kagrupo ni Watanabe ang nakapatay ng isang 90-anyos na babae sa Japan.
Inamin naman ni Remulla na hindi pa kumpirmado,ang pagkakakilanlan ni ‘Luffy’ at inaalam pa ito sa Japanese government.














