“There is no glory in power unless it is used to protect the innocent”.
Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director PBGEN Jonnel Estomo matapos na mahuli ng kanyang mga tauhan ang isang kilabot na kasapi ng communist terrorist group na may kasong pagpatay.
Ayon sa ulat ni Camarines Norte PNP chief PCol Julius Guadamor, nadakip sa kanilang ikinasang law enforcement operation si Norman Ibita y Cama, 38 ng Purok 2, Brgy Maot, Labo, Camarines Norte, kilalang hard core member ng CTG’s/CNN Larangan 1, Kilusang Partido .
Bitbit ang Warrant of Arrest sa kasong Murder with No Bail Recommended na inisyu ni Hon. Arniel A Dating, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Fifth Judicial Region, Labo, Camarines Norte ay sinalakay ng PRO5-Camarines Norte, Labo MPS (lead unit), katuwang ang 902nd BDE 9th Infantry Division Philippine Army, 95th MICO, 9MIB, 9ID PA, CNCIDT, CN 2nd PMFC, PIU at PIT CN, pinagtataguan ng suspek.
“The deliberate efforts of operatives from different units has really been a big boost to the PNP’s peace and order campaign. I would like to give credit to PNP Chief Carlos for providing us with a concrete platform to collaborate with various police and Military units and LGUs to make our operations are very efficient,” ani PBGen. Estomo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng labo MPS ang nadakip na CTG/CNN suspect para sa kaukulang dokumentasyon . (VICTOR BALDEMOR)