KASAPI NG BOYONG CRIMINAL GROUP, NADAKIP SA PNP-CIDG ‘OPLAN PAGLALANSAG OMEGA’

Dalawang hinihinalang miyembro ng Boyong Criminal Group na sangkot sa gunrunning at robbery-in-band activities ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR Regional Director, Col. Randy Glenn Silvio sa kanilang inilunsad na PNP-CIDG Oplan Paglalansag Omega kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ayon kay Col. Silvio , isang confidential informant ang nagbulgar sa mga iligal na aktibidad ng dalawang nadakip na may kaugnayan sa bentahan ng baril, pagnanakaw at droga kaya naglatag sila ng gun buy bust operation laban sa isang alyas Robin miyembro ng Boyong Crime group sa kahabaan ng Service road Roxas Boulevard, Barangay 76 Pasay City.


Sa ulat na isinumite sa punong himpilan ng PNP-CIDG ay kinilala ang mga nadakip na sina Robin Niones Pispisano alias ‘Bojie’, 32, ng No. 74C Sampaloc Extension North Signal Village, Taguig City at Jennifer Soperit Abaya, 29, ng GHQ Barangay Katuparan, Taguig City.

Nasamsam sa nasabing “Oplan Salikup” at “Oplan Paglalansag Omega” ang isang unit .38 Revolver (subject of Buy-Bust) na may anim na live bullets para sa caliber .38 Revolver , isang pirasong P500 peso bill dusted money na may serial number na CV252128 at ang ginamit na boodle money.

Bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi isinagawa ng CIDG-SMMDFU (lead) kasama ang DMFB-SPD ang ikinasang gun buy-bust operation dahil sa paglabag sa RA 10591 na nagresulta sa pagkaka-aresto sa dalawang suspek.


“The arrested suspects are members of the ‘Boyong Criminal Gang’ under IR no. NCRCIDU SMM-22-08-001 who were known to be engaged in gunrunning activities, robbery-holdup and drug trade operating in the Southern Part of Metro Manila.” ani Silvio.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-NCR Regional field unit ang mga suspek. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Boyong Criminal Group

You May Also Like