Latest News

Kasambahay na pusher, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang 54-anyos na kasambahay na nasa talaan ng ‘most wanted person’ sa District level,kahapon ng hapon sa Tondo,Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang suspek na si Rowena Cerbito, housemaid sa 401-D Int. 7 Laurel St., Barangay 120, Tondo, Maynila.

Ang suspek ay inaresto ala-1:10 ng hapon sa bahay na kanyang pinaglilingkuran.

Nabatid kay PMaj.Edward Samonte ,hepe ng SMaRT, ng ang suspek ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Rolando Mojica Santoyo ng Branch 179 noong Agosto 18,2023.

Ang suspek, matapos ipakita sa korte ay dadalhin na sa Women’s Correctional Facility para pagsilbihan ang hatol ng korte sa kanyang kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Tags:

You May Also Like

Most Read