NGAYONG taon dapat ang wedding nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Si Andi, na naka-base na rin sa Siargao, ay dinelay ang kanilang kasal ni Philmar dahil sa biglang pagkamatay ng kanyang inang si Jaclyn Jose.
Maalalang 2020 pa engaged ang actress at ang international surfer kung saan may dalawa na silang anak — sina Lilo at Koa.
“Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was suppose to be for mom,” paliwanag ni Andi.
Si Andi ay may unang anakkay Jake Ejercito na si Elie.
Gayundin si Philmar sa una nitong nakarelasyon.
Kamakailan lang, tinanggap ni Andi ang posthumous Honorary Distinction from 2nd Parangal ng Sining, bilang recognition for her late mother.
As for healing from her mother’s passing, she hopes that she will eventually get there.
Sa ngayon, naka-focus ang actress sa magagandang bagay na nangyayari sa kanilang buhay.
Proud siya na mahal na mahal siya ng ina at ang kanyang mga anak.