Isang 46-anyos na karpintero ang nasawi matapos rumesbak at pagsasaksakin ng kanyang nakaaway sa kalsada, kamakalawa ng hapon sa Capulong Street, Barangay 150, Tondo, Maynila.
Di na naisalba pa ng mga doktor sa Tondo Medical Center ang biktinang si Manuel de Guzman, ng No. 2110 Bato Extension, Raxabago St., Barangay 150, Tondo, Maynila .
Naaresto naman ang suspek na si Romeo Bueza Jr.,32,ng No. 484 Talakitok St., Barangay 20, Caloocan City, matapos makilala ng anak ng biktima na si Mark.
Sinabi ng suspek na nagawa niyang pagsasaksakin ang biktima dahil bigla umano siyang hinampas nito sa likod sa hindi malaman na dahilan.
Inabangan umano ito ng suspek para pagsasaksakin.
Sinampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutors Officeang suspek.














