NASAWI ang isang 27-anyos na karpintero matapos na bugbugin ng kanyang nakatatandang kapatid na kanyang nakasagutan sa gitna ng kanilang pag-iinuman sa kanilang bahay sa Area H, Gate 19, Brgy.20, Parola Compound Tondo, Maynila.,kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Niño Matito, habang naaresto naman ang suspek na si Nicolas Matito, 54.
Napag-alaman kay Manila Police District -homicide section chief PCapt. Dennis Turla na naganap ang insidente sa bahay ng biktima at suspek alas- 3:15 ng madaling araw matapos na magtalo habang nag-iinuman na nauwi sa pambubugbog ng biktima sa suspek.
Nawalan ng malay ang biktima kaya isinugod ito sa.pagamutan pero nasawi rin makalipas ang ilang oras.
Kasalukuyang nakapiit sa MPD ang suspek na nagsisi umanon sa kanyang nagawang pagpatay sa sariling kapatid, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.














