Karla Estrada, nag-deny na break na sina Kathryn at Daniel

MATATANDAAN na si  Cristy Fermin ay nagbalitang matagal na umanong hiwalay  sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
At ayon kay Cristy, ito umano ay sinabi mismo ng  nanay ni Daniel na si karla  Estrada sa isa nitong malapit na kaibigan.
“Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na,” say ni Manay Cristy sa kanyang “Showbiz Now Na” program.
Pero agad-agad namang nag-deny si Karla.
Sa kanyang Facebook post,  sinabi  ng host ng “Face to Face” na: “Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko.”
Hindi lamang si  Cristy Fermin ang  nagbalita ng hiwalayang Kathryn at Daniel.
Nagpasaring na rin sa  kanyang YouTube channel si Ogie Diaz tungkol dito kung saan super na-bash pa nga siya ng KathNiel fans.
Comment tuloy ng ilang netizens:
“Eh once and for all iclarify na kasi ang issue. Yes or No lang naman. Ano pa ba ang pinoprotektahan. Sana magpakalalake na yang anak mo.”
“Wag nyo din kasi madaliin. May mga bagay na dapat ikonsidera. Try to be in their shoes. Kahit nga sa simpleng tao lang, ang hirap kaya sabihing ‘hiwalay na kami.’ Sila pa kaya na million tao ang involve sa relasyon nila.”
“May endorsement contracts pang mga ‘yan.. iwas-iwas pa sa penalty fee.”
“Baka naman kasi sinusubukannpang ayusin kaya di pa makapag confirm.”
“Basta ang alam ko time is the ultimate truth teller. Maghihintay nalang ako ng official news na break na sila.”
Oh, well…
Let us wait and see na nga lang naman!
Tags: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo

You May Also Like