Latest News

Karapatan ng mga mamamayan, protektahan — VP Sara sa mga bagong abogado

By: Baby Cuevas

Hinihikayat ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga bagong abogado ng bansa na protektahan ang karapatan ng mga mamamayan, kasabay ng paghikayat sa mga ito na manindigan para sa hustisya.

Binati rin ni Duterte ang mga examinees na nakapasa sa 2023 Bar Examinations.


“Congratulations to the men and women who have successfully passed the 2023 Philippine Bar Examinations,” aniya.

“Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng inyong pagsisikap, sakripisyo, at katatagan sa harap ng paghihirap at mga pagsubok,” aniya pa.

Nagpahayag ng pag-asa ang bise-presidente na pagsisilbihan ng mga bagong abogado ang mga kapwa Pilipino at ang bansa nang may kababaang-loob, integridad at commitment upang i-uphold ang hustisya, protektahan ang karapatan at manindigan para sa mga taong naghahanap ng kanlungan sa ilalim ng batas.


“May you serve our fellow Filipinos and the country with humility, integrity, and a commitment to uphold justice, protect rights, and advocate for those who seek the shelter of the law,” aniya pa.

Nanawagan rin si Duterte sa mga bagong abogado na makipatulungan sa pamahalaan upang makapagtayo ng isang lipunan na yumayakap sa dibersidad, pagiging patas, katarungan, at pagkakaisa.


Anang bise presidente, “Let us work together to build a society that embraces diversity, fairness, justice, and inclusivity. Lahat—para sa Diyos, bayan, at bawat pamilyang Pilipino,” aniya pa.

Matatandaang 3,812 mula sa kabuuang 10,387 examinees ang nakapasa sa katatapos na 2023 Bar examinations, o may 36.77% overall passing percentage.


Tags: Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte

You May Also Like