KARAMBOLA NG TATLONG JEEP, TATLO SUGATAN

By: Baby Cuevas

Tatlong katao,kabilang ang isang pasahero at dalawang pedestrians, ang nasugatan matapos na magkarambola ang tatlong pampasaherong jeep Sabado ng gabi sa may panulukan ng Taft Avenue at Padre Faura Street, sa Ermita, Maynila.

Isinugod sa Manila Doctors Hospital ang mga biktimang sina Jennifer Hernandez ng 501 C Mahinahon Street, Paco, Maynila; Ranie Ritual,35, ng 345 Purok Lipote Poblacion Street, Bantillan, Infanta, Quezonat Rosennie Anieve,38, ng Purol Malipayon Central Lopez, Paraiso, City, Sagay Negros Occidental matapos na masagi ng mga pampasaherong jeep na nagkasagian.

Batay sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente alas 8:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.


Binabagtas umano ni Crispin Punio Dela Cruz, 30, driver ng Public Utility Jeepney (PUJ) na may plakang PYZ-414, ang southward lane ng Taft Avenue, Ermita ,habang nasa westward lane naman ng Padre Faura St. sina Joel Tagnawa, 22 at Shamar Matta Delos Reyes,28, nang pagsapit sa intersection sa nabanggit na lugar ay nabangga ni Punio ang kanang bahagi ng jeep ni Tagnawa at ang hulihang kanang bahagi ng jeep ni Delos Reyes .

Sa lakas ng impact ay nabangga naman ni Tagnawa sina Ritual at Anieve na noon ay nasa kalsada. Nasaktan din ang pasaherong si Hernandez.

Mabilis na isinugod sa Manila Doctors Hospital ang tatlong biktima.

Sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injury and Damage to Property ang driver na si Punio.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section MDTEU-VTIS)

You May Also Like

Most Read