Latest News

Kapuso actress Rita Daniela sobrang nagandahan kay Kathryn Bernardo

NI BETH GELENA

ANG daming humanga sa bagong selfie photos ni Kathryn Bernardo.

Isa na sa mga nagkomentong celebrity ay ang Kapuso actress na si Rita Daniela.

Komento niya sa lovely photos ng Kapamilya actress: “Gwapa.”

Maging mga netizen ay na-capture sa magagandang larawan ni Kath.

Kahit kapo-post lang ng aktres ang kanyang larawan sa Instagram ay agad itong umani ng mahigit 300,000 likes.

Ang tanging caption ni Kathryn sa kanyang selfie photo ay.airplane emoji.

Ibinahagi rin niya ang ibang larawan kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla. Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at Joshua Garcia. Kaya airplane emoji ang caption ng aktres, lumipad kasi sila patungong Barcelona.

Lumapag na ng Barcelona, Italy ang grupo at handang-handa na para sa G! Kapamilya concert na gaganapin sa Aribau Multi Cines.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read