Latest News

Kapayapaan sa buong mundo — regalong gusto ni Pope Francis sa anibersaryo niya

Kapayapaan sa buong mundo.

Ito umano ang nais ni Pope Francis na matanggap niyang regalo sa Ika-10 anibersaryo ng pagiging Santo Papa niya.

“Peace, peace is needed,”ayon sa Santo Papa nang tanungin kung ano ang nais niyang regalo.


Sinabi ni Pope Francis na hindi niya naisip na siya ay magiging Santo Papa sa panahon ng Third World War.

“It causes me suffering to see these young men not come back – whether they are Ukrainian or Russian makes no difference to me. It’s hard”,dagdag pa ni Pope Francis.

Inilabas ang pahayag ni Pope Francis kanyang unang ‘Podcast’ o ‘ Popecast’ sa Vatican media.kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang Ika-10 anibersaryo bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. (Jaymel Manuel)


Tags: Pope Francis

You May Also Like

Most Read