KAPATID NG MIDDLEMAN SA LAPID SLAY, NASA DOJ NA

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nasa kanilang kustodiya na ang kapatid ng namatay na “middleman” na si Jun Villamor na iniuugnay sa pagpatay sa hard hitting broadcaster na si Percy Lapid.

“Yes middleman-Co -conspirator “,ayon kay Justice Sevretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin ng mga mamahayag kung nasa kanila na ang kapatid na babae ni Villamor.


Una umanong humingi ng tulong kay Senator Raffy Tulfo at DSWD Secretary Irwin Tulfo ang babae bago ito iti-nurn over sa DOJ.

Ibinulgar umano ng babae ang detalye nang huling pag-uusap nila ng kapatid bago ito natagpuang walang malay sa kanyang selda sa New Bilibid Prison (NBP).


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like