Naglabas ng desisyon ang Supreme Court En Banc kung saan nakasaad na mayroon umanong regulatory authority ang Food and Drug Administration (FDA) sa aspetong kalusugan ng tobacco products.
Ito ay matapos na pagtibayin ang desisyon noong 2021 at ibasura ang motion for reconsideration inihain ng Philippine Tobacco Institute, Inc. (PTI) at Representative Edcel C. Lagman.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9711, o Food and Drug Administration Act (FDA Act), ang FDA ay may regulatory authority sa lahat nang may kinalaman sa health products.
Sa ilalim ng implementing rules ng batas ang Department of Health (DOH) ay responsable sa pag-regulate ng tobacco products sa pamamagitan ng FDA.
Nabatid na kinuwestiyon ng PTI ang naturang probisyon ng implementing rules, kung saan iginiit ng PTI na ang Inter-Agency Committee Tobacco (IAC-Tobacco) ay may ekslusibong hurisdiksiyon sa tobacco products,kabilang na ang aspetong pangkalusugan.