Kapalaran ni Vergeire, ipinauubaya na niya kay PFMJ

Ipinauubaya na diumano ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung siya ay ia-appoint bilang Kalihim ng ahensiya.

Ang pahayag ay ginawa ni Vergeire matapos na i-appoint ni Marcos ang dalawang bago niyang gabinete na sina Attorney Cheloy Garafil bilang Secretary of the Presidential Communications Office (PCO),at Carlito Galvez Jr. Bilang Kalihim ng Department of National Defense.

“We congratulate those who have been appointed already. Well-deserved naman sila, Secretary Galvez at si Secretary Garafil,” pahayag nj Vergeire sa isang press conference.


“‘Yung sa atin naman, we leave it again to the discretion and the prerogative of the President. Kung tayo ay mapipili, syemprei tutuloy-tuloy natin ang ating ginagawa sa ngayon para mas magawa natin ‘yung mga reporma,”dagdag ni Vergeire.

Binigyang- diin pa ni Vergeire na “prerogative” ni Marcos kung siya ay ia-appoint,pero magpapatuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa lalo na sa mga kinakailangang reporma kapag siya ay ini-appoint.

Napag-alaman na mag-aanim na buwan na mula nang italagang OIC ni Marcos si Vergeire noong Hulyo 14,2022 sa DOH. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeir

You May Also Like

Most Read