Latest News

KANDIDATURA, PORMAL NANG BINAWI NI CHAVIT SINGSON

By: Baby Cuevas

Matapos mag-anunsiyo sa social media ay pormal na ngang binawi ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang kanyang kandidatura para sa 2025 Senatorial Race.

Personal na nagtungo si Singson sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes at naghain ng ‘certificate of withdrawal.’

Ayon kay Singson, nagdesisyon siyang iurong ang kanyang kandidatura sa pagka-senador sa nalalapit na May 12 National and Local Elections (NLE) matapos na dalawang ulit na tamaan ng sakit na pneumonia.


Ani Singson, ayaw umano niyang tamaang muli ng sakit sa ikatlong pagkakataon kaya’t sinunod ang payo ng doktor na maghinay-hinay muna.

Bago niyan ay inianunsiyo ni Singson ang naturang desisyon noong Linggo dahil sa isyung pangkalusugan diumano.

Tags: Luis "Chavit" Singson

You May Also Like

Most Read