Latest News

Ang Team Asenso Manileno matapos ang miting de avance sa ikatlong distrito ng Maynila na dinaluhan ng may 12,000 katao. Nasa larawan sina (mula kaliwa) reelectionist Councilors Maile Atienza, Karen Alibarbar at Fa Fugoso, Vice Mayor Yul Servo, Mayor Honey Lacuna, Congressman Joel Chua, Councilor Atty. Jong Isip at candidate for Councilor, Chairman Jeff Lau.

KANDIDATONG TAKSIL, KORAP, WALANG ISANG SALITA AT KOTONGERO, IBASURA — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na iboto ang mga kandidatong may prinsipyo at may mabuting asal.

Kasabay niyan ay hinimok din niya ang mga botante na “Tuldukan na natin ang pagbabalik ng mga korap, taksil, walang isang salita, sinungaling at kotongero!”

Ang panawagang ito ay ginawa ni Lacuna sa lahat ng ‘miting de avance’ ng kanyang partidong Team Asenso Manileno sa lahat ng distrito, kung saan hinihimok niya ang mga residente na lumabas, kumbinsihin ang mga kaanak, kaibigan at maging kaaway na iboto ang mga kandidatong walang bahid ng katiwalian, kasinungalingan at may isang salita.


“Ang tunay na dangal at kabutihang-asal ay makikita lang ninyo sa pamilya Asenso Manileno, wala nang iba,” ito ang pinagkakapuring pahayag ni Lacuna sa miting de avance sa ikatlong distrito ng Maynila na dinaluhan ng hindi bababa sa 12,000 katao, batay sa pagtataya ng kapulisan.

Sa kanyang talumpati,tiniyak ni Lacuna na lahat ng mga benepisyo ng senior citizens, kabilang ang dobladong buwanang allowance, ay ‘di lamang ipagpapatuloy kundi madadagdagan pa, sa pagpapatuloy ng kanyang termino.


Gayundun umanon pagdating sa pagbibigay ng trabaho para sa lahat, kabilang na ang senior citizens at persons with disability (PWDs) na sinimulan ng kanyang administrasyon noon pang 2022.

Ilang ulit na naputol ang talumpati ni Lacuna dahil sa paulit-ulit na sigaw ng mga mga tao ng ‘walang babalik!,’ lalo na nang hilingin niya sa mga tao na tulungan siyang pigilan ang pagbabalik ng mga katiwalian sa Maynila.


Hiningi din ng alkalde ang patuloy na suporta sa kanyang mga kasamang tumatakbo sa pangunguna nina Congressman Joel Chua, Vice Mayor Yul Servo, reelectionist Councilors Fa Fugoso, Atty. Jong Isip at Maile Atienza at mga kandidato para Councilor na sina Chairman Jeff Lau at Karen Alibarbar.

“Karangalan kong makasama kayong lahat. Hinding-hindi ko kayo pababayaan Lalong-lalo na, ni sa panaginip, hinding-hindi ko kayo iiwan dahil kayo ang pamilya ko. Mahal na mahal ko po kayong lahat… mananatili kayong laging una kay Honey Lacuna. Ang pagmamahal ninyo ay susuklian ko ng dobleng pagmamahal dahil kayo ang pamilya ko,” pahayag ni Lacuna sa gitna ng sigawan ng mga tao ng paulit-ulit na ‘Mayora!’ at ‘Walang iwanan!’.

Nagpahayag din si Lacuna ng kumpiyansa na siya ay mananatiling Mayor ng Maynila matapos ang halalan sa May 12, 2025.

“Mananalo tayo! Mananatili ang kalinga ng isang doktora at pagmamahal ng isang ina dahil ako ang mananatiling Mayor ng Maynila!” deklarasyon pa nito.

Kaugnay ng eleksyon ay pinasalamatan ni Lacuna si Presidente Ferdinand Marcos, Jr. sa pagdedeklara ng May 12 bilang special, non-working holiday.

Ang Proclamation No. 878 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nagsasaad na mahalaga ang fiesta opisyal “to enable people to exercise their right to vote.”

Tags: Congressman Joel Chua, Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read