ISANG abogado na tatakbong konsehal sa Sto. Tomas, Batangas ang binaril sa loob ng kanyang opisina noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni Batangas police director Col. Glicerio Cansilao ang biktima na si Atty. Reginald Michael Manito, 42-anyos.
Ayon kay Cansilao, nasa loob ng kanyang tanggapan si Manito sa Gov. Malvar Ave., Brgy. Poblacion 1, Sto. Tomas City nang pasukin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-11:20 ng umaga
Dalawang beses na binaril ng mga suspect si Manito bago tumakas, habang ang sekretarya ng biktima na si Aira Vargas, na nasa loob din ng opisina, ay ligtas naman sa pamamaril.
Agad na isinugod si Manito sa St. Cabrini Medical Center kung saan idineklara siyang dead on arrival.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang lokal na pulisya para alamin ang motibo sa pagpatay at madakip ang mga salarin.