TAHASANG ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na napasok na ng mga grupongnkomunista ang kampo ng isang kandidato sa pagka-Pangulo sa May 9 elections.
Hindi naman binanggit ni Duterte sa kanyang Talk to the People ni Duterte kung sino ang nabanggit na Presidentiable at hindi rin siya nagpakita ng ebidensiya sa kanyang ibinulgar.
“Meron tayong mga partido headed by someone running for the presidency and yet they are playing into the hands of the communist. I think they have been infiltrated,” ayon kay Duterte.
“Inuudyok ko lahat na ‘wag kayo sumali diyan sa mga rebelde na kasabwat ‘yung mga miyembro ng political parties sa kabila,” ani pa Duterte.
Una nang ibinulgar ni Rep Boying Remulla sa isang campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Cavite, na may nakita siyang miyembro ng mga komunistang grupo na nakiisa sa pagtitipong ng mga kakampink.
Nanatili naman tahimik sa Robredo sa naturang isyu.