Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno sa motorcade na umikot sa Maynila. Kasama niya ang kanyang runningmate na si Doc Willie Ong at senatoriables Samira Gutoc, Dr. Carl Balita at Atty. Jopet Sison. (TSJ)

KAMPANYA NI ISKO, INILUNSAD SA BANAL NA MISA

ALINSUNOD sa kanyang “God, First!” na giya sa buhay, sinimulan ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko Presidential candidate Isko Moreno at ng kanyang mga kasamahang kandidato sa Partido ang paglulunsad ng kampanya sa pamamagitan ng pagdalo sa isang banal na misa.

Kasama ni Moreno ang kanyang maybahay na si Dynee, runningmate Doc Willie Ong at mga kandidatong Senador na sina Samira Gutoc, Dr. Carl Balita at Atty.Jopet Sison sa pagdalo sa 7:30 a.m. Holy Mass na ginanap sa Archdiocesan Shrine of the Sto. Nino de Tondo in Manila.

Kasunod ng misa ay sumama sina Moreno sa ‘Blue Wave’ caravan na umikot sa anim na distrito ng Maynila. May 10,000 motorcycle riders na nakasuot ng blue T-shirts ang sumama sa motorcade samantalang libo-libong mga residente rin na naka- blue at nagwawagayway ng kulay asul na banners ang lumabas ng kanilang mga tahanan upang salubungin at i-welcome si Moreno at ang kanyang team.


Dakong alas-5 ng hapon naman ginanap ang simpleng proclamation rally ng Aksyon Demokratiko sa Bonifacio Shrine, bilang pormal na pagsisimula ng 90-day campaign period para kay Moreno at sa kanyang buong tiket.

Inihalintulad ni Moreno ang kanyang pagtakbo laban sa mga higanteng pangalan sa pulitika sa kwento ng “David and Goliath” sa Bibliya.

“The oldest history is in the Bible. Ang sinabi ‘yung mga matatangkad, matatayog, mga kilala, malalakas tinalo ni David na galing sa ordinaryong pamilya. So, sa akin history repeats itself. May kasabihan rin na ganon. So, may awa ang Diyos,” ayon kay Moreno ng may pagpapatungkol sa kuwentong Bibliya ni David, na isang ordinaryo at maliit na nilalang na tinalo sa pamamagitan ng tirador ang higanteng si Goliath,” ani Moreno.

Naniniwala si Moreno na tulad ni David ay kaya niyang talunin ang mga ‘Goliaths’ ng Philippine politics at maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.


Inihayag na sa publiko ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno ang kaniyang ’10-point Bilis Kilos Economic Agenda’ o sampung pangunahing plano para sa pagbangon ng bansa, sa oras na siya ang tanghaling susunod na Pangulo ng Pilipinas matapos ang halalan sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Moreno, kasama sa kanyang mga plano ang pabahay, edukasyon, trabaho, kalusugan, turismo, imprastruktura, digital transformation at industriya, agrikultura, good governance, at smart governance.

Tiniyak pa ni Moreno na pangunahin rin sa kanyang prayoridad ang pagsusulong ng malinaw na ‘pandemic response roadmap’ upang protektahan ang lahat ng Pinoy laban sa patuloy na pananalasa ng COVID-19.

Isasagawa aniya niya ito bago matapos ang 2022 upang tuluyang mabuksan ang ekonomiya at maging handa ang bansa, sakali mang magkaroong muli ng mga susunod pang pandemya. (BABY CUEVAS)


Tags: Manila Mayor at Aksyon Demokratiko Presidential candidate Isko Moreno

You May Also Like

Most Read