Latest News

Sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang nadalo sa misa bago magsagawa ng kampanya. Kasama nila sa larawan sina Councilor Philip Lacuna, asawang si Abby at Councilor Dr. Lei Lacuna.

KAMPANYA NG LACUNA-SERVO TANDEM, SINIMULAN SA BANAL NA MISA, HOUSE-TO-HOUSE SA DISTRICT 4

By: Jerry S. Tan

SINIMULAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang unang araw ng kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagdalo sa isang banal na Misa sa Our Lady of Fatima Church sa Sta. Mesa, ganap na alas-6 ng umagda.

Nagkagulo ang Sampaloc residents habang naka-HL (Honey Lacuna) sign sa pagbisita ng tambalang Lacuna-Servo sa kanilang pamayanan.

Kasama nina Lacuna at Servo ang kanilang mga pamilya sa thanksgiving mass, mula kung saan ay nagtuloy sila sa kanilang unang house-to-house campaign sa Sampaloc, kung saan sila ay mainit na sinalubong ng mga nagkakagulong residente na may bitbit na sulat-kamay na mga sign bilang pagpapakita ng suporta at kung saan ay tiniyak nila ang solidong boto para sa Lacuna-Servo tandem.

Sumama sa nasabing house-to-house campaign si incumbent Congressman Edward Maceda at maybahay nitong si Dr. Giselle Maceda, na siyang natakbo bilang kanyang kahalili dahil sa matatapos na ang termino ni Cong. Edward sa Hunyo.


Kasama rin nina Lacuna at Servo ang mga kandidato sa Konsehal na sina Science Reyes at chairman Bong Marzan, kapatid ni dating Manila City Administrator Jay Marzan.

Sa pagtitiyak ng landslide na panalo sa ikaapat na distrito ng lungsod, nagpahayag ng pagmamalaki ang mga residente na ang si Lacuna ay isang tunay na taga-Sampaloc na kahit kailan ay hindi lumipat ng ibang lungsod at sa katunayan ay nananatiling nakatira sa kanilang lumang apartment sa Sampaloc.


Sina Lacuna at Servo ay kapwa natakbo sa ilalim ng Asenso Manileno na sa loob ng mahabang panahon hanggang ngayon, ay nananatiling pangunahing nangungunang partido sa lungsod ng Maynila.

Matatandaan na noong 2022 elections, nakuha ng nasabing partido ang lahat ng posisyon sa Maynila mula mayor, vice mayor, Congressmen at city councilors, nang si Lacuna lamang ang siyang nagdala sa grupo. Nang mga oras na iyon ay abala na si Isko Moreno sa pangangampanya sa mga probinsiya bilang Pangulo subalit natalo at lumabas na pang-apat kina President Ferdinand Marcos, Jr., Leni Robredo at Manny Pacquiao.


Ang fourth district ng Maynila ay kilalang balwarte ni Lacuna, dahil nagsimila siya ng kanyang political career bilang Manila City Councilor na kumakatawan sa fourth district ng lungsod mula 2004 hanggang 2013.

Mula doon ay nagsilbi si Lacuna bilang social welfare officer sa loob ng tatlong taon bago naging ika-27 na Vice Mayor ng Maynila at kauna-unahang babae na humawak ng naturang posisyon.

Matapos maging Vice Mayor sa loob ng dalawang termino, mula 2016 hanggang 2022, tumakbo at nanalo si Lacuna bilang kauna-unahang babaeng mayor ng Maynila, kung saan nakapagtala siya ng pinakamalaking kalamangan sa mga nakalaban mula sa mga kilalang angkan ng pulitiko sa lungsod, na kinabibilangan ni Amado Bagatsing.

Sa huli ay nakapagtala pa din ng lamang na 200,000 boto si Lacuna kahit pagsamahin pa ang nakuhang boto ng kanyang mga naging kalaban.

Sina Lacuna at Servo ay tumatakbo sa ilalim ng “Tapat at Totoo” na pamamahala, kung saan sila ay sinamahan ng lima sa anim na Congressman, karamihan o majority ng mga konsehal at mga haligi ng Asenso Manileno, gayundin ng mahigit sa 600 na barangay chairmen mula sa kabuuang 896 barangay sa Maynila.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read