Kampanya laban sa Dengue at waterborne disease paigtingin — Duque

Pinaalalahanan ni Health Secretary Francisco Duque III, ang mga Local Government Units(LGUs) at publiko na paigtingin ang kampanya laban sa Dengue at iba pang water-borne disease kasunod ng pagpasok ng tag-ulan.

Ayon kay Duque sa kabila na nagkaroon ng pagtaas sa kaso ng Dengue sa ilang lugar sa bansa,nanatiling mas mababa ito kumpara sa kaparehas na panahon noong nakalipas na taon.

Kabilang umano sa sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan bukod sa dengue ay ang leptospirosis, cholera,thypoid fever, diarrhea.


Sanhi nito,sinabi ni Duque na dapat ay pakuluan mabuti ang iniinom na tubig para maiwasan ang mga sakit.

Gayundin dapat na isulong ang 4s para maiwasan ang dengue, dapat hanapin ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok,linisin ang kapaligiran. (Carl Angelo)

Tags: Health Secretary Francisco Duque III

You May Also Like

Most Read