Latest News

NASA larawan sina (mula sa kaliwa) Jascha Crenz Chachon, Kamikazee vocalist Jay Contreras, John Robert Baculi at Jerson Lipit sa launching Pet Love Taxi kung saan ang singer ang napiling brand ambassador.

Kamikazee vocalist Jake Contreras, ambassador ng Pet Love taxi

By: Beth Gelena

NI BETH GELENA

GOOD news ito sa pet lovers.

May bagong app sa social media na gustong isakay sa taxi ang kanilang mga alaga kung walang maghahatid sa kanila.


Kahit exotic na mga alaga ay pwede ring isakay sa kanilang taxi.

Ayon sa may-ari ng Pet Love Taxi na PLT Iridescent Corp., matagal nilang pinag-isipan kung itutuloy ba nila ang naisip nilang negosyo.


Actually, nag-try na raw sila at okey naman daw dahil marami ng mga Pilipino ang animal lovers.

Ang founder at owners ng Pet Love Taxi na sina John Robert Baculi at Jascha Crenz Chachon ay parehong animal lovers at napili nilang maging ambassador ng kanilang brand si Jay Contreras, ang vocalist ng Kamikazee.


At the same time ay business partners din siya sa nasabing kumpanya along with Jerson Lipit.

Silang apat na nasa likod ng Pet Love Taxi ay naniniwalang marami silang mapagsisilbihang mga animal lovers sa naisip nilang negosyo.

Sila ang unang nagtayo ng Pet Love Taxi na very affordable daw ang prize.

Kaya raw si Jay ng Kamikazee ang kinuha nilang ambassador ng PLT ay dahil marami raw alagang hayop ang singer.

“May mga alaga akong pet dogs, pusa, meron ding Iguana at crocodile. Nakatutuwa silang alagaan lalo na ang mga aso kasi kapag nawala ka lang ng konting oras, para sa kanila ang tagal na nun. Unlike sa mga pusa na sila ang master ng kanilang buhay,” kuwento ni Jay.

Nag-ooperate na ang Pet Love Taxi na so far naman daw ay magagandang feed back ang kanilang nababasa.

Naisip nilang itayo ang negosyo dahil nakikita nilang marami ang may gustong magpadala ng mga animals sa iba’t ibang lugar kaya lang ay walang maghahatid kung saan ang kanilang destinasyon.

Nakakasiguro naman daw ang kanilang clients na maganda ang serbisyo nila dahil ang kinukuha rin nilang driver ng taxi ay mga mapagmahal sa hayop.

Kung mga exotic animals naman daw ang ipapadala ng client, in-assure nilang matitibay ang mga sasakyang gagamitin.

Kung may mga ibon umano ang ipapadala ng client ay meron din silang motorcycle na gagamitin para sa mga ito na may matitibay na cage.

Puwede rin daw silang via land or airplane depende kung ano ang gusto ng customers.

Open din sila sa international freight kung saan may agency na sasalo sa mga alaga nilang hayop.

Tags: Pet Love Taxi

You May Also Like

Most Read