Magandang balita sa mga motorista ang muling kaltas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes.
Nag-abiso na ang mga kompanya ng langis tulad ng Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum na magtatapyas-presyo sila ng P0.40 kada litro ng gasolina, P1.85 kada litro ng diesel, at P1.30 naman kada litro ng kerosene, epektibo pagpatak ng alas-6:00 ng umaga.
Mayroon ding rollback ang Caltex na magiging epektibo pagpatak ng alas-12:01 ng madaling araw. Ganundin ang Cleanfuel na magiging epektibo pagpatak ng alas-8:01 ng umaga.
Karaniwang inaanunsyo ang pagbabago ng presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes.














