NASA sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang anti- narcotics operation sa Quezon City nitong Sabado ng hapon .
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, arestado sa operasyon si Mansawi Lala, 38, kung saan nakumpiska sa pag-iingat nito ang nasa 500 gramo o kalahating kilo ng hinihinalang iligal na droga.
Nakuha rin umano sa suspek ang buy-bust money at kanyang identification card.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Carreon, ipinatupad ang inilatag na entrapment operation ng mga tauhan ng PDEA RSET 1 and RSET 2, ang NCR RSET 2 sa may North Avenue matapos magpositibo ang kanilang kinasang case build up at intelligence info laban sa suspek.
Samantala, nang nasabing araw din ng Sabado ay nasa mahigit P251-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa mag-asawang suspek sa Imus, Cavite.
Naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Buhay na Tubig.
“Nag-conduct ng buy bust operation dito sa Imus ang PNP POLICE Drug Enforcement Group kasama ang Imus police at Cavite PPO,” ayon kay Cavite Police Provincial Director Col. Christopher Olazo, at nadakip ang mag asawang suspek. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)